kAgAt nG LanGGam

About Me

this so-called journal simply oulets my ideas in this mundane living planet.im not into politics i just like it. i hat politicians but i do adore them for being powerful they can even get money from someone they do not know...
your name:

url:

your message:

February 13th, 2005

the big brat pen---I

Posted by enitsirhc at 09:05 AM on February 13, 2005.

nkita ko cia kanina.
kanina ko lang cia nakita.

naglalakad sa may c.park.
sa may c.park cia naglalakad.

wala siyang kasama kundi ang hangin.
ang hangin lang nag kasama niya.

nabuka ng bahagya ang mga labi niya.
ang mga labi niya ay bahagyang nabuka.

waring may binibigkas siya.
may binibigkas ata siya.

hindi siya gwapo, wala siyang itsura.
wala siyang itsura, hindi siya gwapo.

nakita niya ko, ngumiti siya.
ngumiti siya nang makita niya ako.

ngumiti rin ako.
nag-ngitian kami.

kilala pa pala niya ako.
akala ko nakalimutan na niya ako.

bumilis ang tibok ng aking puso.
ang tibok ng puso ko ay bumilis.

hindi pa rin naaalis ang mga ngiti ko.
kahit siya ay malayo na.

naalala ko ang nakaraan.
nakaraang walang nagyari.

dumukot ako sa bulsa.
bulsang walang laman.

ay! meron pala, celfone.
celfone ang laman ng bulsa ko.

hinanap ko ang number niya.
na-erase ko na pala ang number niya.

hindi ko na maalala ang dahilan...
ang dahilan ay kasama na niyang umalis.

ikukwento ko siya
pero saka na ha!

makikisabi po...

balentayms na naman

Posted by enitsirhc at 08:27 AM on February 13, 2005.

it's valentine's day again yet the whole world seems not to notice

it's valentines day again yet my heart feels empty

it's valentine's day again but my soul floats nowhere

it's valentine's day again but my feet have gone to left me

it's valentine's day again but it's just my blood that boils

it's valentines day again pero celfone ko lang ang buhay...
Currently feeling: stressed

makikisabi po...

February 9th, 2005

ako'y isang tibak

Posted by enitsirhc at 11:25 AM on February 9, 2005.

dapat laging may ipinaglalaban para sa ikabubuti ng nakararami peron mas maganda kung walang tututol...


no to UP Budget Cut...

makikisabi po...

January 31st, 2005

Posted by enitsirhc at 03:35 AM on January 31, 2005.

MADILIM ANG GABI. NANUNUOT SA LAMAN NG MGA BUTONG 'DI BANAT SA TRABAHO DAHIL MAGHAPONG NAKAHIGA SA KAMA ANG LAMIG NG WALANG MODONG PANGGABING HANGI. KASIPING ANG HAPIS NA KATAWAN NI *RUEL ANG MGA SUROT SA UNAN. KAHALIKAN ANG PUWET NG SIGARILYO. AT KAUSAP ANG WALANG MODONG polluted NA HANGIN. KINAKALIKOT SA MAKAMUNDONG ISIPAN KUNG BAKIT NGAYON SIYA AY NAG-IISA.

DALAWANG ARAW BAGO ANG KAHAPON, BUONG DALDAL PA SIYANG SUMASABAT SA USAPAN NG NAG-KAKAISANG GRUPO. HITHIT-BUGA NG USOK NG SIGARILYO. NAGKASUNDO SA KINABUKASAN AY IPAGLALABAN ANG WARI'Y HINDI NATATAPOS NA PAKIKIPAGLABAN -- PARA SA KALAYAAN, PARA SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY, PARA SA 'DI MAKATAONG PAGPAPATUPAD NG BATAS NA IILAN LANG ANG NAKIKINABANG, PARA MAPAALIS ANG MGA TALIPANDAS NA BUWAYA SA LIPUNAN, PARA IPAMUKHA SA KAKAPALAN NG LIBAG NG MGA NAMUMUNO NA KULAY BERDE NA LANG ANG KULANG AT LULUMUTIN NA SILA SA KGARAPALAN SA PERA. eksahirado: LIMANG TONELADANG PINTURA, TATLONG LIBONG ROLYO NG KARTOLINA, MGA BANNER NA KASING HABA NG LUZON, AT BUONG BUHAY NA LAKAS NG LOOB ANG INIHANDA NG MGA KABATAAN NA KADALASAN AY NAPAGKAKAMALIAN -- NALILIGAW NG LANDAS, MATIGAS ANG ULO -- NGUNIT SILA PA MINSAN ANG TAMA.

SI RUEL, DIDI OTSO, MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NA KILALA SA PAG-AAKLAS NG MGA ESTUDYANTE. NOONG ISANG ARAW, KASAMA ANG GRUPO, SINALUBONG NILA ANG MGA TANGKE, BUMARIKADA SA HARAP NG MGA UNIPORMADONG KAWATAN NG GOBYERNO. NANGGIGITATA SA ILALIM NG TIRIK NA ARAW, HALO NA ANG PAWIS, LIBAG, UHOG, AT MANAKANAKANG LUHA. TULOY ANG PAGSIGAW, WALANG HUMPAY SA PAGTINDIG PARA SA PINANINIWALAAN. ISANG PUTOK NA HINDI ALAM KUNG KANINONG BARIL NAGMULA ANG NAGPA-UMPISA NG 'DI MAKATAONG PANANAKIT, NG WALANG PAKUNDANGANG SALIMBAYANG PAG-AGOS NG LINYA NG TAO. SIBILYAN LABAN SA UNIPORMADONG TAO NA GINAMIT NG MGA MAY KAPANGYARIHAN UPANG HINDI MAGPAKATAO.

KAHAPON,. SI RUEL, KASAMA ANG IPINAGLABAN NGUNIT NADEHADONG PANININDIGAN, AY ISA SA LIBU-LIBONG PINANAWAN NG ULIRAT DAHIL SA PANANAKIT AT SA WALANG KONSIDERASYONG PAG-AWAT SA BUGSO NG DAMDAMIN NG MGA NAG-AAKLAS. SA GITNA NG KALSADANG GINAWANG SABUNGAN NA ANG MGA MANOK AY TAO, NATAGPUAN ANG LUPAYPAY NA KATAWAN NI RUEL. KATABI ANG IBA PANG WARI MO'Y BANGKYA NGUNIT MAY KAPIRASO PANG TIBOK NG PUSO AT KAPOS NA HININGA PARA SA PAGDALOY NG AKTIBISTANG DUGO. MATAPOS KUDKURIN NG GAMOT NA PULA AT TAPALAN NG MAMIKROBYONG GASA ANG MGA SUGAT BUNGA NG NAGDAANG PAGKILOS, KINALADKAD NA ANG MGA KATAWAN NG MGA BUHAY PAPUNTA SA LIKOD NG REHAS.

KANINANG UMAGA, SI RUEL, ANG PAGOD NA KATAWAN, ANG PAHAT NA ISIPAN, AT ANG MINALTRATONG PANININDIGAN AT SINUNDO NG NAG-AALALANG MGA MAGULANG. KAPALIT NG HINDI NAMAN DAPAT MAWALA NA KALAYAAN NI RUEL AY ISANG DAANG PISO AT TATLONG PAKETENG SIGARILYO.

NGAYONG GABI, SA ILALIM NG PUTING KISAME, KASABAY NG PAG-ALULONG NG MGA ASO ANG ILOG NG ALAALA NG MGA DUGUANG KA-GRUPO; HABANG NAGLALAMPUNGAN ANG MGA PUSA NG KAPITBAHAY, BUMABALIK SA BALINTATAW NI RUEL ANG UNGOL AT DAING NG MGA BUGBOG NA KATAWAN.

SABAY SA PAGKAMOT NI RUEL SA KAGAT NG SUROT SA BATOK NIYA ANG IDEYA NA ANO NGA BA ANG KINAHITNATNAN NG GINAWA NILA. KUMILOS BA SILA PARA IPARAMDAM SA MAY NAAAPI AT DAPAT NG SULOSYUNAN ANG MGA PAGKAKAMALI O PARA LANG IPABUGBOG ANG KATAWAN AT MAPATUNAYAN NA NAG-IIBA ANG IBIG SABIHIN NG DEMOKRASYA 'PAG KAPANGYARIHAN NA ANG NAKATAYA?


*RUEL -- hindi tunay na pangalan. ngunit kapanglan ng maraming nag-aaklas para sa paninindigan.
-- kumakatawan sa milyon ng estudyante sa nakikibaka para sa kinabukasa.
Currently listening to: teri onor on eat bulaga
Currently reading: The Pretenders
Currently watching: Eat Bulaga
Currently feeling: cramming

1 sabi nya...

January 4th, 2005

dApAt bA AkOng mAgsIsI?

Posted by enitsirhc at 07:34 AM on January 4, 2005.

kasi naman eh, bata pa ko nun. hindi ko pa alam na...basta wala pa kong alam nun!
ngayon, may asawa na siya at may anak na rin. alam ko ang kwento ng mga naging pag-ibig niya; hindi siya nagsikreto, pero hindi ko rin alam kung totoo lahat.
nakita ko siya kanina lang. bumilis ang tibok ng puso ko. hindi ko alam kung dahil natuwa ako na talagang wala ng mangungulit sa akin o dahil nasaktan ako kahit papano dahil akala ko eh wala lang siya para sa isang batang katulad ko. mali ba ako? saan? saan ako mali?

may kwento:
isang babae ang umibig o nagpabola sa isang lalaking anim na taon ang tanda sa kanya. nag-live-in. nabuntis. iniwan. itinakwil ng mga magulang. napariwara ang buhay pati ng anak. nagpakamatay. nilamon ng impyerno ang kaluluwa. matagal bago nag-reincarnate.

naniniwala ka ba?

ayokong maging katulad ng babaeng yun na ang naging kasalanan lang ay nagpabola.

masaya silang mag-kaakbay habang naglalakad. nakatingin siya saken, titig ata ang tawag dun. ginaya ko, nakangiti rin akong tumingin sa kanilang dalawa na may halong pagkagulat, ipinahalata ko na hindi ako apektado sa kung ano man ang nakikita ako. sana lang umepekto.

nun ko lang nalaman na may dimple pala siya. ang cute niya, kaya lang hindi talaga siya tumaba...mabilis pa sa tsunami na umatake sa south east asia ang tibok ng puso ko. hindi ko lang talaga alam ang dahilan. nag-palpitate ba ko nun?

matagal din akong natulala kanina. kinilig ata ako. bakit kaya? dahil nginitian niya ko? dahil kilala pa rin niya ko? o dahil parang nakahinga ako ng maluwag dahil wala pala siyang hard feelings saken?hindi ko talaga alam.

pagkalampas nilang dalawa saken, lumingon ako. ayun! nakatingin saken yung babae. hindi ko alam kung anong sinabi niya sa asawa niya kaya tumingin saken. hindi ko talaga alam.

mabigat ba ang loob ko? kasi sabi niya dati saken, maghihintay siya... nainip? siguro nga.

ngayon, alam ko na...wala akong alam.

mura pa rin pala ang isipan ko. hindi pa malawak ang pang-unawa ko para ma-gets ang inihain saken ng tadhana. alam ko, sigurado ako na alam ko na hindi lang coincidence ang nangyari kanina, destined kami na magkita. naka-plano na malaman kong maligaya siya sa hindi paghihintay sa akin...wala naman kasi siyang hihintayin.

kung may pagsisisihan man ako, yun eh dahil hindi ko nasabi na dapat ang tao hindi naasa. na dapat habang may pagkakataon, i-grab ang opportunities na nadating. pero ayos lang, kahit hindi ko naman kasi sinabi...ginawa niya.
Currently listening to: Pieces of Me

makikisabi po...

« Newer | »